Musta ka na? Long time no see, hehe! Ako, eto.. me dagdag na kahibangan na naman sa love life koh!
Naalala mo ba ang kwento ko noon? About ke (tu-tut)* nung minimiscol nya ako chorvah at ina-ask na manood ng play nila sa CCP? E di ba sabi ko nga sa 'yo hindi ako pumunta kasi
dagdag na kahibangan lang. Oh well, i thought hindi na ulit magpaparamdam ang loko. But no, after 48 years, nagmulto na naman ang lolo mo.
Syempre, mega-call. Since "wag sagutin" nga ang pangalan niya sa phone ko, e di hindi ko sinagot.
Tut-ti-tut ti-tut ti-tut, tut-ti-tut ti-tut ti-tut.. (to the tune of doraemon)
Makulit. Di tumitigil. Halata naman ata pag pinatay ko. Hmm.. "Hello?"
"May-anne?"
"Uhuh.. Sino 'to?" (wink-wink!)
"Ahh.. free ka ba this weekend?"
(haller, di pa nga nagpapakilala e. ano buz?!)
"Ah, sino ba 'to?"
"ako.. ahh.."
"Oy, napatawag ka NA NAMAN. anong meron?"
"invite sana kita ulit sa play e.."
"CCP ulit?"
"yah.. pwede ka ba? Saturday, 1pm show."
"libre ba?" (nuninuninuninu..)
"Oo naman.. kita tayo before mag-start para mabigay ko tiket. Pwede ka magsama ng friend mo."
"Cool. cge po, punta ako." (hwaaaat?! ano 'tong nagawa ko?!)
"Yey, tnx. yun lang. hope to see you there."
"Uhuh.."
"Bye."
"B.." (ano ba yun.. nyaiks. napasubo ata ako ah!)
Come Saberdi, excited ako. hindi ko alam kung bakit pero wel, long time no see na kami e. Kebs-kebs na 'to. Ang aga ko tuloy. Hehe.. 12 nn pa lang, andun nako. E wala naman ako balak magsama ng friend kasi nga, baka magkagulo, alam mo na.. :D
Papaka-kikay pa ba ako? nyah.. wag na. para ano pa. para "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.."? haller, da vah. so ayun, the usual me. very May-anne, minus ka-kikay-an. ayoko nga. ma-inlove pa ulit sa akin yun! Harhar!
Maya-maya pa, nakita ko siya lumabas. nakita naman ako agad. sabi ko, ako lang mag-isa tapos binigay na niya yung tiket. mag-enjoy daw sana ako. in fairview, macho ang lolo mo. me muscle-muscle sa braso. kakasayaw nga siguro. at in fairview pa ulit.. lean, mare. bitamina A. masarap sa mata. walang bilbil. ha-ha..
Therefore, mega nood na ako nung nagsimula. Kaya lang na-windang ako. ang weird kasi lalaki naman yung role niya pero bigla kong na-realize mukha siyang babae! wakekekeke.. or siguro sa costume lang. Shakespeare echos kasi yung play.. In short, maganda naman. magaling naman siya. magaling sila, actually. sulit ang libre.
so uwian na, syempre takbo ang lola mo para man lang mag-congrats at magpasalamat sa libreng tiket. hindi sila lumabas agad pero dahil me pupuntahan pa din ako.. sugod na sa may side ng stage. pasilip-silip ako. kunyari mangsu-surprise.. owel, ako ang nasurprise!
Habang kausap niya ang mga kasama sa theater, pinagmasdan ko siyang mabuti. inisip ko kung namamalikmata lang ba ako. pero hinde. nakita ko ang hubad na katotohanan. malambot. pumipilantik. walang biro, bading na bading! walang duda, ANG LOLO MO, LOLA NA! hwaaaa...
hindi ko malubos maisip.. sakto nakita niya ako. oh no! naging lalaki bigla sabay lapit sa akin.
"Did you enjoy it?"
"alin? a, oo" (hekhekhek..)
"Sana makanood ka ulit sa susunod. tatawagan ulit kita."
"sure. y not? im lukin forward to it. tnx. ah.. alis na pala ako" (hekhekhek)
"ok, tnx ulit"
"sige, ba-bye!" (sabay beso.. hekhekhek..)
Haynaku, hindi ko talaga mapigilan ang humalakhak. ano bang problema nya? anong gusto nyang palabasin? ok lang naman kung bading na sya, bakit nagkukunwari pa siyang straight?! Hay, ang hindi ko lang talaga ata matanggap e yung fact na closet ang ex ko. humm.. pero anyhow, hahahaha.. natatawa pa rin ako sa nangyari at sa kanya.
ayun, ngayon hindi na "wag sagutin" ang pangalan niya. pinalitan ko na. "BADING!" hehe.. ayan tuloy, LSS ako.. ang jowa kong bading.. harhar!
la lang, yun lang. hay, life nga naman. kaw nga ba, musta na? kumusta si
Komodo Dragon ? hehe..