Wednesday, September 07, 2005

6:00 AM Commonwealth

sumakay ako ng bus.
cubao ilalim. ortigas flyover. crossing ilalim. airconditioned.
just what i always wanted but which
i always fail to find every morning on my way to the office

tuwang-tuwa ako. puno ng pag-asang natagpuan ang hinahanap.


6:15 Philcoa

mabagal ang takbo. bahagya lamang umuusad.
hindi ako mapakali subalit wala akong magawa.
Lord, ano buzz?! ano 'to? kairita ang driver..
lahat ng pwedeng hintayin, hinhintay.
tumitigil sa bawat kanto.

unti-unting kumakawala ang pag-asang nasasa akin sa simula.
kumakabog ang dibdib ko. kinakabahan ako.


6:35 Cubao

i thought cubao ilalim?! oh, man!p@*$#&+!
ano ba manong, bakit ka nag-ibabaw? 25 minuto na lang

hindi na ako aabot. kasalanan ko ba
o talaga lamang itinakda ng pagkakataon?
bakit mukhang mabibigo na naman ata ako?


6:50 Crossing

kapag minamalas nga ata talaga.
akala mo sakto na, hindi pa rin pala.
mahirap talaga umasa sa airconditioned bus
Haller! pati ba naman dito, ibabaw pa din?!
Arrgh! 48 years ang traffic.



7:00 Buendia

hopeless case na 'to. nag-log in na sila. late na talaga ako.
sa susunod, hindi na ako ulit sasakay sa airconditioned.
tama na ang ordinary. kahit nalilipad ang utak ko,
di naman lumilihis ng daan

makatulog na nga muna.wala nang patutunguhan ang pagkainis ko.
huli na rin para magmadali pa ako.
ang buhay nga naman, di mo talaga alam kung ano ang kahihinatnan.

..kunsabagay, may nalimutan kasi akong gawin..
to pray that God will bless my trip..


1 Comments:

Blogger anders said...

nice ending... hehe

Monday, September 12, 2005 9:57:00 PM  

Post a Comment

<< Home