Sunday, June 19, 2005

Balon_


Malalim ang balon..
madilim
nakakatakot. Masyadong tahimik subalit
naririnig ko ang pag-inog ng tubig sa loob.


Parang nakikita ko ang pagtining
na nag-aanyayang ako'y bumaba at makipaglaro.
Nakakatakot. Parang ako'y bubulusok.


Lumalakas ang paanyaya.
Ang bawat pagsilip ko'y isang pakikipagsapalaran
subalit hinahayaan ko lamang.


Ako'y nilalamon. unti-unti..
Nawawala ang liwanag. dumidilim.
Ayoko! Hindi dapat
Ngunit masarap..


Natatakot ako.
Tulungan mo ako.
Ayokong manatili sa karimlang ito..
Baka hindi ako makaahon.

2 Comments:

Blogger entropy_ket said...

uhh... sadako, ikaw ba yan? nyay! hehe...

Thursday, June 30, 2005 11:19:00 PM  
Blogger js said...

pwede rin.. basta ang importante, samahan nyo ako.. ang dilim! hekhek..

Friday, July 01, 2005 12:57:00 AM  

Post a Comment

<< Home