Tuesday, May 10, 2005

Naunsyaming New Sked

Hay, akala ko pa naman mababago na ang isked ko.

Napapagod na kasi kami talaga kakalipat ng building everyday. Magtu-2 months na kaming papalit-palit ng stations. Afternoon sa Insular, sa Enterprise sa gabi. after two hours sa Enterprise, lipat na naman ng station kasi me iba nang gagamit. Hay, ganun nang ganun everyday.

Nagreklamo na kami. Ang iba magpa-file na ng resignation. Ako man, contemplating on doing it as well na..

Biglang nag-suggest and supervisior a.k.a. TL namin..
Mag-insular na lang daw kami whole shift.
8am - 4pm.
Mondays to Fridays.

Yahoo! Hello shopping ulit. Hello sine ulit. Hello dine-outs ulit. Hello Malls. Hello Life!

Ipinasa na ang request. Ok daw naman. Nung una, natakot pa ako na malipat sa 2-10:30 kasi yun ang shift ng karamihan sa team mates ko. Pagsasama-samahin na dapat ng shift ang magkaka-team. PEro hindi daw naman pala.

And so, balik ligaya. Nai-announce na namin sa lahat ng friends.. families.. echos.. chorva.. only to find out and to hear from the OM:

"He'll get back to us as soon as he receives the new shifting and schedule assignments."

Hwaaaaat?!?!?! E di hindi din pala approved. Panibago na namang shifting sked? Ibig sabihin ba nun bagong team assignments na naman?!?! And worse, pati ang sked ko, nagulo na naman. Binago ko na ang weekend activities ko dahil sa "new" sked.. na effective May 16 daw.. na hindi naman pala! Haynaku, ang life nga naman.

Me alam ba kayong pwedeng pag-apply-an ko?! Arrrgh..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home