Tuesday, March 15, 2005

Me bago akong isked

Hay, me bago akong akong isked, baw!

Panalo ang bago kong isked. Akalain nyo, mega-enjoy itoh!
Kung dati e kelangan ko gumising ng 5:30 am para hindi ma-late sa work, ngayon.. kailangan ko gumising ng 10 am.
Kung dati e kailangan ko umalis ng haws ng 6:30 para hindi ma-late sa work, ngayon.. kailangan ko umalis ng 11 am.

Astig di ba?

First day ko ngayon sa shift na 'to. I arrived at around 12:15pm. Winner. 12:30 and shift ko. Walang seats sa Enterprise! o di ba, ibig sabihin, i don't have to work.

Then, we were instructed to go to the NEARBY Insular Bldg. My seats daw don! Wow! Buti na lang my seats dun. Makaka-pagwork na kami!

Off we went, passing through the underpass that we just passed thru on our way to the Enterprise from the Unloading Zone ng Ayala.. Andun na kami by 12:45.

Ang ganda sa Insular. May pantry din. May sofa sa pantry. May computer sa pantry. May caterer sa pantry. Yun nga lang, English Speaking Zone na naman (dahil sa mga Trainees na present everywhere!). Pero ang catch, walang access-access denied sa Insular. May yahoo! sa Insular. My Blog. My pictures ang Blog. May Friendster sa Insular!

Hay, at dahil 12:30 - 9pm ang shift ko, naturalmente, downtime 'kamo. Walang cases! yahoo! Yahoo na! hay, sino naman kasing Kano ang gising pa para mag-email ng 12:30-9am di ba?! owel, enjoy ito.

3:30. We moved back to the Enterprise. My seats na daw. Akalain nyo. Yeah. Asteg. Me seats na for us! ang galing-galing!

Before 4pm, asa Enterprise na kami. Lunch Go. I ate my ever favorite Vegie Salad (ordered from ofism8 Texx). Konting e-mail. Downtime ulit. yahoo! petix ulit. kaya lang, boring na ang life. ala na pics ang blog at ala na din friendster. hmmm..
haha.. alam ko na!

Magpo-post na lang akoh!

petix.e-mail.petix.e-mail.petix. 8pm na. 1 hour na lang, uwian na.. akalain nyo!

Hay, ang saya pala ng shift ko! imagine. makakauwi na ko ng 9pm. everyday 9pm ako uuwi. asa haws nako by 10pm. ang saya no?! Tapos pagdating sa haws, matutulog na ko. Gigising na lang ulit bukas para pumasok sa work.

ofis.bahay.ofis.bahay.ofis.bahay. Haaay.. exciting noh?! Inggit kayo?! Duh!!!

2 Comments:

Blogger jegs said...

i enjoyed reading this one. ano daw ang petiks? yun ba yong parusa pag natalo ka sa pustahan? happy weekend js!

Friday, March 18, 2005 9:24:00 PM  
Blogger js said...

haha.. in case seryoso ka sa tanong mo, ang "petiks" po ay nangangahulugan na pa-bandying-bandying. walang ginagawa. nakatunganga. pa surf-surf. panet-net. pa-gmes-games. :)

salamat sa pagbabasa! :D

Saturday, March 19, 2005 8:36:00 PM  

Post a Comment

<< Home