Tuesday, January 25, 2005

dagdag na kahibangan..



kumusta na ikaw, ang iyong life?

ako hay naku. may bagong lokong installment sa kwento ng lolo mo.

siyempre dahil ikaw na lang ang isa sa mga konteng nakakaalam ng kwentong antigong ito eh di kukwento ko na sayo.

i dont remembr kung nakwento ko ba yung tungkol sa miscol at "pagtawag" niya disoras ng gabi dati. sinagot ko pero wala namang sumagot. so tinext ko. sabi may nakialam daw ng phone niya baka napindot. osige. tapos disappear na naman.

kaya bigla gulat ako nung friday. nagring phone ko, siya. tiningnan ko lang. kaso di naman tumigil. so kahit wierd, sinagot ko. ganun uli. wala sumagot. so tinext ko uli. ang sagot, loko-loko daw phone niya gusto daw lagi ako tinatawagan.

(duh)

sabi ko, aba may taste pala phone mo (ehek! hehe)

sagot niya, sensya na po, natataranta na kasi ako. ikaw kasi ang una sa phone book ko baka napindot lang.

(?!?!)

sagot ko: wierd naman ata kung ako nga ang una sa phonebook. eh di naman "anne-May" ang pangalan ko, (da va.)

sagot niya: (wala. di na sumagot. as usual.)

so pinabayaan ko. wala na.

tapos kinagabihan, habang dito ako sa cafe, nagring na naman phone ko. siya. so tiningnan ko lang uli. pero ring pa rin. so sinagot ko uli. so deja vu uli, walang naghello.

lalalalala...
tapos tumawag uli. eh nainis na ako. so instead of doing what i used to do, na pinuputol ko na agad, nakinig lang ako. bahala maubos load niya.

biglang maya-maya, aba nagsalita. "May-anne?"

(like duh, sino pa nga ba)

Tapos sabi "Tinawagan ba kita?"

(e sira ulo ka pala eh!)

tapos sabi niya "katatapos lang namin magrehearse kasama ang 'teatro'."

sabi ko lang, ah ok. tapos malabo eh pero inend ko na.

tapos tinext ko sabi di ko naman dapat sasagutin kso nga mahaba yung ring. sabi ko di bale next time di ko na sasagutin.

tapos ang reply niya : sama ka sa teatro sa play namin bukas sa CCP.

DUH.

sabi ko wat tym?

sabi 1 daw call time.

sabi ko di ako sure kasi may OT ata ako. tska ayoko makita mga tao sa teatro.

tapos yun. di na sumagot.

hay naku.

ayun, pinalitan ko na pangalan nya sa phonebook. pangalan niya ngayon,
"WAG SAGUTIN."

loko yun ah.

yun lang..


---this is a private message sent to me by a friend. pinost ko. kaaliw e.
don't worry, me permission nya! sorry, hindi ako ang gumawa nito..
hehe! ---

3 Comments:

Blogger krazy_aljoe said...

wooshoo! i'm sure experience mo yan.. haha! joke lang.Ü

hemingways, kaaliw nga.Ü

Thursday, January 27, 2005 11:30:00 AM  
Blogger js said...

nakarelate ako, pero sorry.. di ko pwede akuin ang isang bagay na hindi akin. :)tsaka bakit pa ako magsisinungaling?

owel, im sure naka-relate ka rin! nangyayari naman ata to sa lahat ng mga tao.. hindi ba mga frends?

Thursday, January 27, 2005 12:18:00 PM  
Blogger leslie said...

hmmm...
kaaliw nga... wahaha.. ako nga din imiscall niyo lagi..
maalala ko..uy js.. la pa pala ako sun # mo! =) sama ako sa bonding niyo ni milks... at may sasabihin pala ako sa inyo next tym..

Friday, January 28, 2005 10:28:00 AM  

Post a Comment

<< Home