Sunday, February 13, 2005

kryptonite



ikaw ang bato sa buhay ko...

ang bato na nagpapalabo ng paningin
nagpapahina ng pandinig
nag-aalis ng panlasa
nagpapabago ng pang-amoy
nagpapamanhid ng pakiramdam ko..

ikaw ang batong
nagdadala ng mga paru-paro sa sikmura ko
nagpapalambot ng mga tuhod ko
nagpapapula sa pisngi ko
nagpapainit ng tenga ko
nagpapakabog sa dibdib ko.

ikaw ay isang batong
nagpapahina ng loob
nagpapagulo ng isip
sumisira ng sistema
dumudurog sa puso ko..

ikaw ay bato
isa kang tunay na BATO.

Image hosted by Photobucket.com

hehe.. wala lang.. :D

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ah eh tanong ko lang... c alfred ba yun na nakadamit chipmunk? o c alfred nung past life nia? - gretel

Tuesday, February 15, 2005 8:46:00 AM  
Blogger js said...

ah eh.. hindi po. c alprid po talaga yun.. :)ganyan talaga totoo niya itsura..

Tuesday, February 15, 2005 1:49:00 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

abay naghahanap pala ng away ang mga to..

Tuesday, February 15, 2005 6:58:00 PM  
Blogger js said...

bket? me nasabi ba akong masama?!

Wednesday, February 16, 2005 2:17:00 PM  

Post a Comment

<< Home