Friday, March 18, 2005

League of Ordinary NOT SO Gentlemen

Hindi naman masamang umupo ang mga lalaki sa MRT o sa bus.
Hindi rin masama na makipag-unahan sila sa pagsakay sa jeep o Fx.
Pero kung sukdulang ikasubsob na ng iba at kulang na lang e makipag-barugan sila LALO NA SA MGA BABAE, hindi na naman yata tama yun..

Masikip sa MRT. lalo na pag rush hours. Ang daming sumasakay. Hindi nga maiiwasan ang magmadali at makipag-unahan pero sa mga nakita ko kanina, hindi ko naiwasang lalong malungkot. Talamak na pala ang mga NOT SO gentlemen sa mundo!

Walang kaso sa kin dahil sanay naman akong tumayo. Besides, it's a Friday so dress down kami. Pero galit na galit talaga ko sa mga makakapal na mukhang pak*&^%$ na nakasakay ko. Merong mama, akalain nyong makipagbarugan dun sa mga katabi nyang babae. Muntik nang matumba yung isa kasi nakipag-unahan siya sa upuan. Buti na lang muntik nga lang kasi nga, masikip. Ang catch pa, naka-skirt pa talaga yung girl.

Meron ding mama, halos nanay na niya yung katabi. Nung tatayo na yung nakaupo sa harap niya, parang gustong-gusto nang itulak para lang makaupo siya . E masikip nga! At umupo siya- hindi pinaupo yung lolang katabi niya!

Yung isang babae paglabas ng MRT, sumisigaw: mga P*&^&%$#&( nyo! E kasi naman, muntik na siyang maluray-luray kasi ginipit siya nung mga maskuladong kasalubong niya.

Minsan, kahit nakaupo na ako at may dumadating na buntis o matanda, ako na yung tumatayo. Ang kakapal kasi ng mukha ng mga lalaking nakakasakay ko! Binanabalewala ang nangangailangan ng upuan. Sana lang hindi nakakaranas ng ganun ang mga mahal nila sa buhay..

Ganun din sa Fx kanina. Yung babae, pasakay na sa fx. Inunahan ba naman ng G*&^%G lalaki sa loob. di siya nakasakay. Galit na galit yung babae. Gusto niyang sapatusin sa mkha yung gago.. nakaalis na nga lang ang Fx.

Hay, life talaga. Ang daming walang puso. Ang daming makakapal ang mukha. Sana lang me matindi silang dahilan kaya nila ginagawa ang mga ganung bagay.

Kung natatae na sila, baka acceptable pa..

7 Comments:

Blogger krazy_aljoe said...

pinipili naman kasi kung sino ung pagbibigyan ng seat.. kung matanda, buntis at magandang sexy (na tipong ibibigay ung cell number niya pag pina-upo mo.. hehe..Ü), papaupuin namin un pero kung sa tingin naman namin na kaya niyang tumayo mula north edsa hanggang taft, ok na yun.. nasan na yung sinasabi niyong women independence at equality kung umaasa pa rin kayo sa mga ganung bagay.. napapagod din naman kaming tumayo sa MRT ah..

^_*

Tuesday, March 22, 2005 10:24:00 AM  
Blogger js said...

sana nagbabasa ka ng maayos. kasi nga, gaya ng sinabi ko. hindi naman masamang umupo dahil may karapatan din naman kayong umupo. sana nga lang, hindi umaabot sa punto na makipag-agawan at kung pwede lang e -wrestling ang mga katabi para umupo.

kagaya rin sinabi ko na, nagagalit ako sa mga taong hindi marunong mag-upo sa mga matatanda, buntis at may dalang bata. hindi ako nagagalit sa mga hindi nagpapaupo sa mga hindi masyadong nangangailangan tulad ng mga babaeng "hindi ka-gandahan".

hindi equality at independence ang isyu.

Tuesday, March 22, 2005 1:11:00 PM  
Blogger entropy_ket said...

o siya sige, mag-away daw ba dito sa blog? freedom of expression diba? hehe... sana idagdag nyo na rin yung mga salesladies na naka high heels. wawa naman sila kasi whole day na silang nakatayo sa work. hehe...

Wednesday, March 23, 2005 2:56:00 PM  
Blogger entropy_ket said...

This comment has been removed by a blog administrator.

Wednesday, March 23, 2005 2:58:00 PM  
Blogger entropy_ket said...

This comment has been removed by a blog administrator.

Wednesday, March 23, 2005 3:00:00 PM  
Blogger leslie said...

tama ka js e.. sobra!
isa talaga yan sa mga angas ko sa buhay na talaga namang galit na galit ako pag labas ko ng mrt.. nakakainis talga yan! alam mo yung feeling na bangag ka sa work pero sige lang okay lang sa iyong tumayo kahit nanginginig ka na sa puyat kasi ganun talaga e.. equality nga.. nagbayad naman sila ng mrt card nila so may karapatan silang maupo.. pero kung ang labanan naman e nakatayo na kayong lahat tapos kulang na lang iwasiwas ka para lang sila ang makaupo pag may tumayo, aba e ibang usapan na yata yun.. at talaga namang makakapal talaga ang mga mukha lalo na pag yung mga mukhang maton pa ang mga nauupo. hindi na nahiya sa mga matatanda.. just like you naku, tumatayo din ako para magpaupo ng maatanda habang ang mga lalake ay prenteng nakaupo.. tapos titingnan ko sila talaga. ewan ko lang kung hindi sampal sa mukha nila.. well, sabagay yung iba hindi na tinatablan dahil sadyang makapal na. ..

at tama ka ulit js, hindi naman equality at independence ang issue dito e. at hindi naman natin hinihingi na paupuin tayo.. yun na laang mga matatanda at buntis o may dalang baby..

buti na lang sa LRT, kahit bulokish at least meron silang cabin for women at least dun kahit magunahan kayo okay lang...

this issue is really so depressing no! yah especially for mrt women like us..

Thursday, March 24, 2005 4:46:00 AM  
Blogger js said...

definitely, ate les! :D

Friday, March 25, 2005 12:10:00 PM  

Post a Comment

<< Home