Tuesday, August 09, 2005

Sa Mahal Kong Kaibigan..

"Tag-ulan na naman.."

ang muling nanuot sa kukote ko sa sandaling nasilayan kitang muli.
Makulimlim ang langit.
Malamlam ang iyong mga mata.
Wala na naman ang kislap na palagi ko noong nakikita..
ang liwanag na nagmumula sa iyong mga mata,
ang ningning na dulot ng mga kidlat na yaon.


Sa pagsulyap mo'y ngumiti ka.
Isang sinserong ngiti, ngunit batid kong balot ng lungkot..
Ayaw ko mang padala sa nararamdaman mo, apektado ako.


Sa mahabang palitan ng kuro-kuro at agam-agam,
pinagmamasdan kitang mabuti:
Alam kong nandoon ka.. pero malayo ang narating mo.
Malayo ang naabot (o pilit inaabot) ng kamalayan mo.
Mga blankong titig, impit na halakhak, walang tunog na mga kulog..


Hapis na ang pisngi mo, maluwag na ang damit mo.
Di mo man sabihin, nadarama ko ang kalungkutan mo,
Kung may magagawa lang ako..


Batid kong kaya mo, batid kong kaya mo.
Pero kung sakaling kailangan mo at kung sakali ring nakakalimutan mo,
nais ko uling ipaalala sa yo..
Andito lang ako, andito lang kami
MAHAL NA KAIBIGAN, para sa yo!

--
p.s. sapat na bang patunay ang pag-agos ng ilog ng luha sa daluyan na pisngi ko?

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by a blog administrator.

Friday, August 12, 2005 12:23:00 AM  

Post a Comment

<< Home