Sunday, June 19, 2011

Paminsan-minsan...

Naalala pa rin kita. Kahit ngayong malayong malayo ka na.

Paminsan-minsan, naalala ko yung mga panahong tayo'y magkasama at tayo'y masaya. Paminsan-minsan aking muli't-muling pinagsisisihan ang aking mga pagkukulang.. na marahil ay dahilan ng iyong paglisan. Paminsan-minsan aking muling tinititigan ang ating mga lumang larawan, hanggang sa unti-unting pumatak ang luha ko. Paminsan-minsan, ninanais kong masilayan ang iyong mga obra. Ipagmalaki ka at ipagsigawang kaibigan kita. Paminsan-minsan pinapangarap ko ding muling makaharap ka, makakwentuhan at makasama. Libo-libo mang milya ang layo natin sa isa't-isa, di man kita nakikita, dinarasal kong sana masaya ka. Paminsan-minsan...

hinihiling ko na kahit nasaan ka man ngayon, isipin mo ako kahit Paminsan-minsan lang.

( *Early morning senti-mode sa opisina inspired by Richard Reynoso's Paminsan-minsan lang. =D

**Happy Rizal Day everyone! - walang reli sa post ko. Naalala ko lang.)