Dati, kapag nalulungkot ako bumibili lang ako ng chocolate o kaya ice cream. kung gaano kadami, depende kung gaano ka-depressed at kung magkano ang budget. minsan tama na yung cloud 9 o big bang tapos naging chooey choco. pag ice ream, pinakamalaki na ung pint size.
tapos naging sosyal ako. nag-feeling lang. naging toblerone, cadburry , etc. minsan, yung giant toblerone. inuubos ko lahat yun. minsan lang ako mamigay. tapos na-adik ako sa cake. particularly brazo ni mercedes. syempre dahil madami yun masyado, di ko mauubos. kaya naging mas generous ako. kulang na lang mag-rejoice ang mga houe mates ko pag depressed ako. kaw ba naman ang malibre ng wala namang okasyon.
siguro naging mas kumplikado yung mga nagiging problema ko nung magtagal. kasi, natuto na akong uminom ng unimom. basta me hindi magandang nangyari, maliit o malaking bagay man yan, inom! kaya lang, magastos. kasi andami ko naiinom. hindi kasi ako agad nalalasing. buti na lang at me mga taong magaling magtimpla ng toma.
ngayon, mejo mabait na ako. tsaka wala nako panahon uminom. wala na ko halos social life. kata eto, ang napapag diskitahan ko, pagkain!
grabe. lamon ng lamon. lamon sa bahay. lamon sa byahe. lamon sa opisina. lamon pag break. lamon pag lunch break. lamon kahit hindi break.
kanina lang, pagkagiising ko, nag pancit canton ako. tapos, me pandesal kasi sa bahay so nagbukas ako ng liver spread at kumain. nanood lang ako konti ng "house" tapos umalis na ko. pagdating ko sa office, nagugutom na naman ako. sabagay, breakfast ko yun. kailangan ko na mag-lunch. kumain ako. ng pesto. na me kasamang beef steak. na me kasamang burger. wala nang softdrinks. tubig lang. at naubos ko.
how is that? napi-feel ko pa, after lang ng mga ilang oras, magdi-dinner ako. no! di na pwede. yan lagi ang sinasabi ko. hanggang salita lang. di ko na madisiplina ang sarili ko.
sabi ng officemate ko, overworked daw kasi ako. i should relax some times. "coz if not, the next thing you'll know, you're bloated!"
whew! scary. but i don't know how to relax. coz as far as i know, kumakain ako to relax. at nagta-trabaho ako to break away from some other things. like depression?! i don't know. basta. haay, walanang patutunguhan 'to. i'm saying nonsense na. basta, anag point ko... ayaw ko nang lumamon pero lamon pa rin ako lamon! (disorder na kaya 'to?!)