Sunday, August 20, 2006

Chill Attack

may pabugso-bugsong pananakit ng puso
at paninikip ng damdamin
nakatitig sa kawalan
hindi makausap, bigla-biglang umiiyak
nanlalamig, giniginaw
may panaka-nakang paninigas ng kalamnan
kinikilabutan, pinagpapawisan
may pangangaligkig
na tumatagal ng 3 hanggang 10 minuto
mawawala lamang pagpanaw ng ulirat.
Chill Attack.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home