Si Lord talaga, kahit kelan, mapagbiro!
Haay, halos kelan kelan lang, nag-usap kami. Sabi nga sa akin ang kulit-kulit ko daw. Kasi naman, masyado daw ako atat sa gift nya para sa akin. E sabi ko naman, bakit naman ako hindi magiging atat e antagal-tagal na niya nag-promise tapos di ko pa din natatanggap. Tapos nung nagtanong ako kung malapit na niya ibigay, sabi niya: "U-huh!".
E di excited naman ang lola. Tapos sabay bigay pa ng kung anu-anong signs, affirmations, etc. Siyempre ang expectant heart ko, nag dum-di-dum-di-dum na naman! Madalas ko nga tinatanong, "Lord, ito na ba yun?" Hindi sumasagot, pero para bang nakikipaglaro pa. Me pa-relay relay pa ng message na nalalaman. Ok, sit back and relax. Huwag masyado excited, ang tinapay.. baka maging bato..
At dahil matagal nga siya mag-confirm, pinabayaan ko na lang. Anyways, i was having a great time din naman. Solb na solb na kumbaga. Pero para nga kasing yun na yun e. Naghihintay lang siya ng perfect timing para ipa-unwrap yung regalo niya.
Tapos nainip nako, kaya ayun.. nag-usap nga kami ulit. Sabi ko, "Lord, pwede ba yun na lang?" Ha-Ha! To no avail, kasi dead-ma. Kaya ayun, sabi ko tuloy, "Sige na nga Lord. Bahala ka na. Kung ayaw mo pa talagang ibigay, ala naman ako magagawa. I'll just sit back and relax. I surrender everything na talaga. I will no longer be makulit."
Tapos biglang-bigla, binawi ba naman yung akala ko gift na n'ya! Nagulantang talaga ako. Naiyak.. Kasi naman, though sabi ko nga i surrendered to His will na, I believed pa rin na yun na yun e. Well, hindi ata. Dahil talaga namang parang binaligtad na Niya ang mundo ko sa ipinakita Niya sa akin!
Masakit at magulo, pero ganumpaman, i'm not losing the heart. Expectant kung expectant pa rin. Keep praying about "it"... about "that gift". I know, God is faithful after all..