Friday, January 06, 2006

Mamang Tsuper

Ang haba ng pila, ang hirap makasakay
Sa tulad kong isang pasahero, parusa ang pagsunod sa iyo.
Subalit masaya na din ako na nakasakay sa dyip mo;
Sa sasakyan mong kaykulay, sumigla ang aking araw!

Patuloy ang byahe, patuloy ang buhay.
Sa maikiling panahon, tayo'y nagkapalagayan.
Subalit bakit gano'n..
Ganito ang isusukli mo sa ibinayad ko sa 'yo?!

Akala ko, ikaw ay totoo
Ngunit ito ang masasabi ko:
Peke ke Manong,
Isa kang Manloloko!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home