Wednesday, January 04, 2006

Katangis-tangis na Pagsinta..

Nakatulala ako't nakatitig sa kawalan, patuloy ang pag-imbuyo ng kung anu-anong kuro-kuro sa nahahamugan nang utak..
Nagpapantasyang sana'y hindi totoo ang mga salitang di man namutawi sa iyong mga labi ay iginuhit naman ng mga titik-
Mga katagang walang dudang nagmula sa kaibuturan ng iyong damdamin!


Durog ang aking puso. Tuliro ang aking utak. Wala ako sa sarili.
Hindi ko matanggap.


Nananalangin akong ito'y isang panaginip lamang,
O isang bangungot kaya.. kung saan magigising pa ako- patungo sa isang panibagong pangarap.
Nananalangin ako na mapapawi ng pagtangis ang kirot na nararamdaman..


Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Sa bawat patak ay naaalala ko ang nakalipas..
Hindi ko pa rin matanggap.


Sana nga'y bangungot lang ito.. dahil baka hindi ko kayanin, at tuluyan akong lamunin ng dilim..

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tsk-tsk..

Saturday, January 07, 2006 4:12:00 PM  

Post a Comment

<< Home