Friday, March 25, 2005

What Color Are You?

HASH(0x8cf7c44)

You're the color blue.


You have the three c's in life--you're cool, caring and confident.

Trustworthy and honest, you naturally attract people. You're unusually optimistic, but that makes life all the better.

You're an imaginative person who loves sleeping and dreaming. (HAHA!)

Hard-working and determined, you excell in school. You're everybody's favorite, and this is because you have this undefined richness in your personality and attitude. Mild-tempered and stable. Not to mention very intelligent. (hu-hmm..)

Along with the fact that you're conservative, you're worried about the environment. (absolutely!)

So basically, you're a generous, dependable and devoted--just the kind of person everybody needs. Wouldn't it be great if everybody in the world were like you? :)


What color are you? (Amazingly detailed & accurate--with pics!)

brought to you by Quizilla

Friday, March 18, 2005

League of Ordinary NOT SO Gentlemen

Hindi naman masamang umupo ang mga lalaki sa MRT o sa bus.
Hindi rin masama na makipag-unahan sila sa pagsakay sa jeep o Fx.
Pero kung sukdulang ikasubsob na ng iba at kulang na lang e makipag-barugan sila LALO NA SA MGA BABAE, hindi na naman yata tama yun..

Masikip sa MRT. lalo na pag rush hours. Ang daming sumasakay. Hindi nga maiiwasan ang magmadali at makipag-unahan pero sa mga nakita ko kanina, hindi ko naiwasang lalong malungkot. Talamak na pala ang mga NOT SO gentlemen sa mundo!

Walang kaso sa kin dahil sanay naman akong tumayo. Besides, it's a Friday so dress down kami. Pero galit na galit talaga ko sa mga makakapal na mukhang pak*&^%$ na nakasakay ko. Merong mama, akalain nyong makipagbarugan dun sa mga katabi nyang babae. Muntik nang matumba yung isa kasi nakipag-unahan siya sa upuan. Buti na lang muntik nga lang kasi nga, masikip. Ang catch pa, naka-skirt pa talaga yung girl.

Meron ding mama, halos nanay na niya yung katabi. Nung tatayo na yung nakaupo sa harap niya, parang gustong-gusto nang itulak para lang makaupo siya . E masikip nga! At umupo siya- hindi pinaupo yung lolang katabi niya!

Yung isang babae paglabas ng MRT, sumisigaw: mga P*&^&%$#&( nyo! E kasi naman, muntik na siyang maluray-luray kasi ginipit siya nung mga maskuladong kasalubong niya.

Minsan, kahit nakaupo na ako at may dumadating na buntis o matanda, ako na yung tumatayo. Ang kakapal kasi ng mukha ng mga lalaking nakakasakay ko! Binanabalewala ang nangangailangan ng upuan. Sana lang hindi nakakaranas ng ganun ang mga mahal nila sa buhay..

Ganun din sa Fx kanina. Yung babae, pasakay na sa fx. Inunahan ba naman ng G*&^%G lalaki sa loob. di siya nakasakay. Galit na galit yung babae. Gusto niyang sapatusin sa mkha yung gago.. nakaalis na nga lang ang Fx.

Hay, life talaga. Ang daming walang puso. Ang daming makakapal ang mukha. Sana lang me matindi silang dahilan kaya nila ginagawa ang mga ganung bagay.

Kung natatae na sila, baka acceptable pa..

Tuesday, March 15, 2005

Me bago akong isked

Hay, me bago akong akong isked, baw!

Panalo ang bago kong isked. Akalain nyo, mega-enjoy itoh!
Kung dati e kelangan ko gumising ng 5:30 am para hindi ma-late sa work, ngayon.. kailangan ko gumising ng 10 am.
Kung dati e kailangan ko umalis ng haws ng 6:30 para hindi ma-late sa work, ngayon.. kailangan ko umalis ng 11 am.

Astig di ba?

First day ko ngayon sa shift na 'to. I arrived at around 12:15pm. Winner. 12:30 and shift ko. Walang seats sa Enterprise! o di ba, ibig sabihin, i don't have to work.

Then, we were instructed to go to the NEARBY Insular Bldg. My seats daw don! Wow! Buti na lang my seats dun. Makaka-pagwork na kami!

Off we went, passing through the underpass that we just passed thru on our way to the Enterprise from the Unloading Zone ng Ayala.. Andun na kami by 12:45.

Ang ganda sa Insular. May pantry din. May sofa sa pantry. May computer sa pantry. May caterer sa pantry. Yun nga lang, English Speaking Zone na naman (dahil sa mga Trainees na present everywhere!). Pero ang catch, walang access-access denied sa Insular. May yahoo! sa Insular. My Blog. My pictures ang Blog. May Friendster sa Insular!

Hay, at dahil 12:30 - 9pm ang shift ko, naturalmente, downtime 'kamo. Walang cases! yahoo! Yahoo na! hay, sino naman kasing Kano ang gising pa para mag-email ng 12:30-9am di ba?! owel, enjoy ito.

3:30. We moved back to the Enterprise. My seats na daw. Akalain nyo. Yeah. Asteg. Me seats na for us! ang galing-galing!

Before 4pm, asa Enterprise na kami. Lunch Go. I ate my ever favorite Vegie Salad (ordered from ofism8 Texx). Konting e-mail. Downtime ulit. yahoo! petix ulit. kaya lang, boring na ang life. ala na pics ang blog at ala na din friendster. hmmm..
haha.. alam ko na!

Magpo-post na lang akoh!

petix.e-mail.petix.e-mail.petix. 8pm na. 1 hour na lang, uwian na.. akalain nyo!

Hay, ang saya pala ng shift ko! imagine. makakauwi na ko ng 9pm. everyday 9pm ako uuwi. asa haws nako by 10pm. ang saya no?! Tapos pagdating sa haws, matutulog na ko. Gigising na lang ulit bukas para pumasok sa work.

ofis.bahay.ofis.bahay.ofis.bahay. Haaay.. exciting noh?! Inggit kayo?! Duh!!!

Monday, March 07, 2005

Wala akong bagong post

Wala! yun lang. wala talaga. walang kwenta. tinamad na akong mag-post ng bago. e bakit nga ba kailangan ng bagong post? what if ganito na lang to forever. who cares. wala naman atang nagbabasa.

titingnan ko talaga. pag walang nag-react, ibig sabihin, wala ngang nagbabasa. haynaku. kebs.

matutulog na lang ulit ako.

kung me magbabasa man. salamat sa iyo. God Bless you.

P.S. hindi ako depressed. hindi din ako bored.