(inspired by
Sad Love Song, a Koreanovela sa GMA7.
Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na `kong naghihintay.
Nguni't mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y `di mo napapansin
Nguni't ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa `yo
Nandito ako umiibig sa `yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya huwag kang
mag-alala may nagmamahal sa `yo nandito ako
Kung ako ay iyong iibigin
`Di kailangan ang mangamba
Pagka't ako ay para mong alipin
Sa `yo lang wala nang iba
Nguni't mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y `di mo napapansin
Nguni't ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa `yo
Nandito ako umiibig sa `yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya huwag kang
mag-alala may nagmamahal sa `yo nandito ako
Nandito ako umiibig sa `yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya huwag kang
mag-alala may nagmamahal sa `yo nandito ako
Nandito ako..
(Para kina Ian at Ket, ito na ang tamang lyrics ng ating LSS nung Sunday.
Para naman kay manong taxi driver na nabingi sa kakakanta namin ng mga maling lyrics, pasensya na po. Bakit kasi wala kang sounds sa taxi mo..)