Tuesday, July 26, 2005

alter ego?!

Psst..
Ikaw!
Oo, ikaw nga. Huwag ka nang lumingon pa.
Ikaw ang tinatawag ko.
Akala mo ba'y sino?

Ha?!
Paanong magiging siya?
Wala na akong pakialam sa kanya.

Hindi mo ba naririnig?
Hindi mo ba naiintindihan?
Bingi ka ba o talaga lamang mangmang?

Pasensiya na. Hindi kita dapat sinasabihan ng ganyan.
Siguro nga'y nalilito ka lang.
Pero pakinggan mo kasi ako.
Tumingin ka. Hindi mo ba nakikita?
Hindi mo ba nararamdaman?

Ayan, ganyan nga.
Makinig ka. Makiramdam ka.
Nababasa mo na?
Anong sabi ng pintig?

Tama.. Ikaw nga. Oo. Ikaw nga..
Kanina ko pa sinasabi sa 'yo.
Ang labo mo!

Friday, July 08, 2005

Mga sagot sa mga katanungan ni Ben para kay JS:

1. what's the most unforgettable moment you had with your dad? why? details pls.

Mga 4 years old pa lang siguro ako nun. Hindi ko na maalala kung paano nangyari at bakit, pero tinanong ako ng katulong namin kung takot daw ba ako sa dad ko. Ang sagot ko, "Hindi". It came to my dad's knowledge until he confronted me. Discipline echos.

Walang kuryente no'n so he we was using a "gasera" (bote ng gin na may gas at tela ang mitsa, may palara sa dulo) while examining his "tandang." Sabungero kasi ang tatay ko. Nasa garahe kami nun. Then he asked me kung takot daw ba ako sa kanya. I said, "Hindi."

Nung una, natatawa lang siya. Pero dahil "hindi" ang sagot ko, tinanong nya ko ng ilang beses. Sa bawat tanong, lumalakas ang boses niya. Nakikita ko na nagagalit na siya. Hanggang dumating sa point na ibinaba na niya ang tandang at hinawakan ang gasera. He threatened me na isusubo sa akin ang gaserang may apoy pag hindi pa din tama ang sagot ko. Seryoso na ang lahat ng tao sa bahay. They're all asking me to say "Opo" na. Umiiyak na yung yaya ko sa takot. Finally, i said "Opo". And he said, "Ok, wag mo na uulitin 'to."

Ang catch, ang akala ko kasi, ang "hindi" ay "oo" at ang "oo" ay "hindi". Kaya ang akala ko, ako ang tama at pinipilit nila ako na sabihing hindi ako takot sa kanya. Well, looking back, i'm just reminded of my stubbornness. Well.. haven't change, have i? hehe..


2. what's your dream for your family in Batangas?

I know how much my mom loves the house/home where she has spent almost all her life. I'm talking about the ancestral (sobrang luma) house where my family lives. Given the chance and enough resources, i would be more than willing to revive, restore, and renovate the place. It has been my great grandfather's home passed on to my mom, and being the sentimental people that we are, I'm sure no one will disagree. :)


3. what work are you willing to do without the benefit of getting paid?

I have always been a performer, and will continue to be so if i will be given the chance. hehe.. i can always be an artista. :D


4. which Tagalog movie best portrays your life?

Jologs! huwag nang itanong kung bakit! :D


5. in 2 months time, what do you think is your weight?

Hmm, maraming bagay ang kailangang i-consider bago ko masagot ang tanong na 'to.
(1) mag-stay ba ako sa work at hindi magre-resign bago matapos ang 2 months? kung oo, me pera ako pangkain. kung hindi, maghihirap ako, so konti na lang ang kakainin ko. papayat ako!
(2) mag-stay ba ako sa 10pm-6am shift? kung oo, malamang mababawasan ng 8 lbs ang weight ko. i already lost 3 lbs in 3 wiks e. meaning sa 120 lbs ngayon, 112 na lang. hmm.ok ata yun ah.
kung hindi, malamang, day shift so mas madami ang kain. malamang, babalik sa dati ang eating habits ko. babalik sa 123 at pwede pa mag-increase.
(3) sino kasabay kong kumain? kung sina ben at ian lagi, mag-increase na naman wt ko. baka umabot sa 130. kung hindi, or kung mag-isa lang ako, pwede mag-stay or mabawasan pa. pero ang lungkot naman ng life ko nun. :D

Ganunpaman, masayang isipin na mababawasan ang weight ko. July pa lang ngayon. if after 2mos, sa September yun. Pero dahil hindi naman ako willing na i-deprive ang sarili ko sa masasarap na pagkain, at kebs naman ako sa weight (hwag lang mag-increase ng sobra!), masaya na ko sa weight ko ngayon. Therefore, i decide... in two months time, my weight will be between 115 - 120 lbs. hehe!

-------------------
Maraming salamat kay Ben para sa mga katanungan. Kung nais ninyong magtanong sa kanya, you can visit his blog. hehe. kung gusto ninyo, pwedeng ako na din lang ang magtanong.. Just leave your comment here. :D