Powered by Intelligence, Driven by Values, Fueled by Pizza.
...I miss this team.
Yan ang sinulat na shout out ni Pete kanina nung naka-chat ko sya. And in fairness, I miss that team, too. I miss those good old days nung mabibilang mo pa lang ang tao sa Suth Clark. Yung mga panahong Plaza A pa lang ang meron tapos Plaza B (or is it the other way around?), wala pa ang Annex, ang Annex 2 at yung building sa may kabilang mundo ng Suth sa tabi ng iQor (one of them is called Bldg. 35, I kinda forget na what their Bldg #s are). Hindi pa din gawa ang admin bldg, ang gym, ang pantry, recreation area at ang dorms. Ang accomodation naming mga taga-Makati ay sa mga Villas sa Parade Grounds- fully furnished and centralized AC, with 24-hr transpo service.
Halos isang dosena pa lang ata ang QAs nun- ang mga QAs na eventually ay naging QA Sups at Ops Sups nung lumaki na ang Clark site (tapos umalis sa Suth at nangibang bakod, bayan at bansa...). Kaka-miss ang teamwork. Tulong tulong kahit anong account ka pa. Ang tutor/ trainer mo ay sina Pete, Kim or Jameson. (Hindi pa ako uso at sikat noon. hahaha). Malimit mag-team breakfast at team lunch. Most of the time sa Rumpa, minsan sa Subdelicious, sa Dainty, sa Jollibee or sa McDo or sa kung saan man mapagtrip-an. Sometimes sa pantry lang. Tapos madalas din manlibre si Pedro (Kasi single pa sya nun! hehe. ;p )
Those were the days na usong-uso ang quality police. You're free to correct and put in red bold letters ang mga maling grammar ng kapwa QA/QA Sups/QA Manager at kung minsan pati ng Trainers, pero most of the time e emails ng mga Ops Sups at PMs ang napo-police. harhar. Minsan pala pati SPMs at Directors din. hahaha. Then you can send it to everyone in the QA distro. Wag na lang ilabas sa ibang dept. Walang samaan ng loob. Ganti ganti lang. Ika nga ni Pedro, "I don't get mad, I get even." 20php ang fine sa kung sino man ang may maling grammar sa email. Pinakamabenta ata si Alex. :P
Ok lang din noon ang forwarded emails. You just have to be sure that if and when you make a comment, your grammar is correct! Umuulan din sa surveys- ayos lang magpetiks kung tapos ka na sa audits at sa reports, pero humanda ka lang sa side comments at pang aalaska kapag napagtrip-an ng mga tao ang mga sagot mo sa surveys o ang mga e-mails na pino-forward mo. Maghanda ka na rin ng mga sagad sa butong pang rebut at intelligent questions para di ka magmukhang kawawa. Mag-ingat din na wag maisama sa DL ang mga big boss at ang mga clients. hehehe.
Kapag nagsend ka ng email na walang attachment pero dapat e meron o kaya na-wrong attachment or wrong subject ka- isang box ng PIZZA ang katapat! Idadagdag sa tally board (sent thru email) ang pangalan mo. Maghanda ka na ng pambili sa araw ng sweldo. Uulan ng pizza at sabay sabay na kakain sa pantry ang buong team. Kung birthday mo o kung may okasyon na dapat i-celebrate, isabay mo na sa Pizza Day. Bumili ka na rin ng pizza para mas madaming pagsasaluhan!
Isa yan sa agenda kapag may team meeting. Sinu-sino magpapa-pizza, ilang pizza, kelan at saan. Maluwag pa ang conference room noon para sa meeting ng buong quality. Pag may bad/good news sa isang account, more likely malalaman ng lahat.
Palagi nilang inaaway ang quality (and nothing has changed) kasi QA ang police sa industriya. Pero wala rin naman sila magawa dahil Quality rules. Quality is King. Basta, the list of the memories will go on and on pero ang bottomline pa din, we were Powered by Intelligence, Driven by Values and Fueled by Pizza. :P
And so again, I miss that team, too. :P