taralets tara-taralets...
Me mga nami-miss ako ngayong ksama ko na si Clark. (Ano ba, erase erase erase!) ...ngayong andito na 'ko sa Clark. At feel ko lang isulat silang lahat:
1. ang unan kong malambot -for some reason, di ko pa nahahakot ang mga unan ko and most likely di ko na sila makukuha ever... bibili na lang siguro ako ng bago.
2. ang DVD marathons - me mga vcd at dvd nga ako, wala namang player. buti na lang me cable sa staff haws. di bale, to buy list ko na lang siya.
3. ang internet shop na walang pangalan dun sa may kanto - anlayo ng internet shop dito. kailangan ko pang lumabas ng Clark! mag-iipon na lang ako para sa laptop.
4. ang mga manong tricycle drivers na pakialamero sa oras ng pag-uwi at pagpasok ko sa office. in fairness, i appreciate their concern. kaka-praning nga lang.
5. ang pagsakay sa Fx at sa taxi. Wala nun dito. forever pa bago dumating ang mga jeep. buti na lang me mga to the rescue na shuttle at van ang SGS.
6. yung MRT, mami-miss ko din. Hindi ko mami-miss ang LRT1 at LRT2. Hindi naman kami close.
7. yung mga manang at manong na bulag sa may Quezon ave. Mami-miss ko yung mga kanta nila na nakakaaliw. Astig yung mga songs nila e. napapasabay ako lagi sa pagkanta.
8. ang grinbelt at glorietta. shocks, duty free at pure gold ang katapat nila dito.
9. ang sm megamall, sm north, galeria, sta. lucia, shang ri la, puregold, robinson's - sm clark at sm san fernando lang ang choices ko!
10. Hay, yung sleeping room sa EBP! Shocks, second home ko na yun e... errr, second rum pala.
11. ang eBay, ang mga tao dun at ang station ko, lalo na yung computer ko- ang unlimited access ko!!!
12. ang masasarap na kainan at ang food trips. well, siguro naman marami din dito. di ko pa lang nae-explore.
12. ang timezone! timezone buddies, sana hindi kayo busy pag bigla ako nag-aya jan. :)
13. starbucks! kailangan ko pa pumunta ng NLEX para lang makatikim ng caramel macchiato o vanilla frap. :'(
14. ang sleep overs. hehe.. well, siguro naman hindi nyo ko matatanggihan kapag wala na ko matutulugan jan sa manila di ba? di ba? di ba? (wink wink!)
15. ang shopping buddies ko (suzanne, ket and mich to be particular, hehe!)
16. ang pagkanta at pagtugtog sa band. although mejo matagal na ko hindi sumasali, mami-miss ko pa din talaga yun. bakit kasi kailangang paapekto sa mga tao. oh well, dadalaw dalaw pa din naman ako...
17. ang Unibersidad ng Pilipinaaaaaaaaaaaaaaaaas! di ko na siya palagi makikita at madadalaw...
18. ang mga gimik at videoke moments. kailangan ko na humanap ng partners in crime. on second thought, ang kailangan ko palang hanapin e yung magtitiyagang makinig sa mga kanta ko at hindi makiki agaw sa mic! hehe..
19. ang aking pamilya. naku. gudlak naman kasi from north to south ang byahe kaya siguro mas madalang na ko makakauwi. dadaanin ko na lang sa tawag. :)
20. at syempre, ang mga friends. hindi man palagi nakikita kapag nakakasama naman e lubos ang ligaya. ung mga hindi ko na nakikita, nakakausap at nakakasama. di ko na siguro mami-miss. dysensitized na ko kaya wag kayong mag-alala di ko na kayo gagambalain siguro. i can forget you. haha.. me angas at poot ba? oh well, basta mami-miss ko yung mga taong mapalit sa puso ko at mga tunay na kaibigan. alam nyo kung sino kayo. :) as in sobra. mami-miss ko kayo!
ayun. yun lang. e bakit nga ba tara-taralets ang title nito?
wala lang. LSS. kinakanta kasi yan nung officemate ko na Bombay kanina. Kakahawa.. :D