Sunday, October 29, 2006

please lang..

get over me, man!

if you can't,


just come back...



you're still welcome




i guess...

Saturday, October 07, 2006

adik!

Sumakay ako ng tricycle papuntang hi-way. I was on my way to work. As usual, baba sa kanto sabay bayad. Nagulat ako ng bigla akong kinausap ni manong driver:

"Ma'm kakauwi nyo lang kanina ah! Papasok na kayo uli?"

Nagulantang ako. Adik si manong. Nakikialam?! So sabi ko, "Ah, hindi po. Me pupuntahan lang." sabay talikod at lakad palayo. Parang feeling ko, ano ba yun?! Makialam daw ba?

Nakasakay ako agad ng fx. As usual, lumipad na naman ang utak ko habang nasa byahe. Tapos naisip ko, "Bakit naman naisip ni manong na tanungin ako. Scary naman ang mga taong yun. Parang minamanmanan ang mga pasahero nila. Kasalanan ko ba kung kailangan ko na agad bumalik sa office? E me calibration kami e. I can't miss it kasi ako ang magpa-facilitate. And we can't postpone it kasi lagot sa mga big boss. Though I'm tired and want to rest it, I need to go to the office. It's work."

Naisip ko pa, "kanina nga out na ko dapat ng 6am but I stayed until 10am." Dami pa kasi reports na dapat tapusin.

Uhhh.. wait. tama ba? OMG. 10am nga pala ako umalis ng office. And it's 3pm. And I'm on my way BACK to the office! (Well, I had 2.5 hours sleep naman. And natulog naman ako kagabi sa office. mga 4 hours din yun.) Shet, natulog na naman ako sa sleeping room kagabi. Antok na antok na kasi ako. Sabi ko 1 hr lang kaya lang tinamad na ko bumangon.

Haay, calibration then I'll do the reports and then audits. Shet, sana makauwi ako by lunch bukas. Tapos liligo lang ako at diretso na ko Batangas. Haynaku, baka naman pakialaman na naman ako nina manong tricycle driver.

Adik siguro yung mga yun.

(...)

Shet. No. Ok fine. I get it. I need sleep. I need rest.
Hindi sila ang adik. AKO!