Tag-ulan sa Tag-araw
TAG-ULAN
After Image
(Wency Cornejo III)
Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
Di malaman sa'n tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro
At tuwing ika'y nalulumbay 'di makakita
Nais mo ay may makasama
Sa 'yong lungkot akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka
Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita
Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Nguni't di ka mag-iisa, kaibigan
Kayrami ng mga tanong sa 'yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkaganoon ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa 'ki'y 'di ko alam
Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan, oooh...
Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Nguni't di ka mag-iisa, kaibigan
Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan... kaibigan... kaibigan...
Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha
Nguni't di ka mag-iisa
Kaibigan... kaibigan... kaibigan...
=-=--=-=
Pinatugtog na naman ng boss ko ang kantang 'to. Natameme naman ako.. Naalala na naman kita.
Tapos naalala ko yung time na umiiyak ka.. Iyak ka lang ng iyak. Ako naman, hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin.. tapos ang lakas-lakas ng ulan. Tumutugtog pa sa radyo ang kantang 'to.
Kumusta ka na nga ba? Sana ok ka. Alagaan mo sarili mo ha?
Parang kahapon lang, ang tindi ng sikat ng araw, tapos biglang umulan. Malakas na malakas, parang bagyo.. Haaay, kelan kaya ulit sisikat ang araw?