Kumusta naman ang mahold-up?
Yuh, I know..medyo lumang balita na ‘to. Pero kebs ko. Me hang-over pa ‘ko. I need to blog this so kung alam mo na yung story at ayaw mo nang magbasa, keri lang sa akin.. (me poot?) hehe.. Hindi pa rin ako nakaka-get over after 1 whole week!
So yun nga, sa mga hindi pa nakakaalam, nahold-up kami. Oo! Nahold-up kami. That was last Sunday after Vesper. Napagkasunduan naming manood ng Ice Age2 kaya sumakay kami ng SM Morth na jeep from CRL. Ayaw pa ni manong kasi hanggang Philcoa lang daw siya pero pinilit namin kasi 10 kami. Pumayag naman sya. So sakay, bayad, tsika-tsika. I was actually busy chatting with Ishy nung me pumara sa may San Vicente. Tapos me bumitin sa may likod. Narinig ko na lang sabi ni manong driver, “Pasok kayo sa loob.” Tapos me sumakay sa harap at sinabing “Hindi na, mabilis lang ‘to!” So dedma, tsika-tsika, blah blah, halo-halo, bola-bola..
Nagulat na lang ako nung biglang maingay na and then I saw the one in front holding a gun and shouting “Yung mga phones, wallet! Bilis! Pagbabarilin ko kayo. Ano? bilisan nyo, yung mga phones! Wallet!” (something like that..) And then it was chaos. Lumilipad yung mga phones, wallets, pinapasa-pasa. May 3310, may k750i, etc. Parang I wanted to disappear..” Lord, totoo ba ‘to? Can I just teleport to sumwer else?”
Nagpaka-invisible ako. Nakikita ko lang si Suzanne nakasiksik kay Mon. Si Ishy, kinukuhanan ni manong ng something. Si Ian at si Milky parang nagtatalo. In-slide ko yung wallet ko sa likod ko. Tapos sabi ni manong na may baril kay manong driver, dire-diretso lang daw. Wag daw titigil pagbaba nila (nangongolekta pa din sila..) so pasimple kong inihagis yung pouch ko na may phone sa ilalim ng upuan. Sobrang di ako gumagalaw, but I can see the .38 gun, tinitigan ko. Totoo, hindi fake!
Matapos ang napakahabang isa o dalawang minuto (mahaba din ang post na ‘to, fyi.. ), bumaba ng jeep ang mga holdapers. Windang kaming lahat, ayaw pa naming mag-comment kasi baka me Kasabwat pa sa jeep. Tapos tumigil si manong driver sa mini police post sa may overpass sa philcoa. Nagulat na lang kami nang biglang sumakay sina manong pulis. Babalikan daw namin yung mga hold-uppers! Hwwaaat?! Seryoso ba sila? E sabi nung mga nang hold-up dire-diretso lang. E kung andun pa yung mga yun tapos pagbabarilin kami!
Panic mode. Bumaba kami lahat ng jeep. Nag-iinsist pa sina manong na sumama daw sina Ian para ma-identify yung mga yun. Kasama daw naman sila. Duh! I didn’t believe in their capabilities.. “No, Ian. Don’t go. Stay!” Mahirap na.. Ayun, pagbalik ng 2 pulis at ni manong driver, wala na daw tao dun. Sumakay daw ng jeep pa-fairview! How the *&^% did they know? Owel, nag-file tsu-tsu pa din yung mga nawalan. Ang dami palang bloopers habang nagkaka-holdapan..
Si Bobbie ang nasa pinakadulo sa side ng driver. Sa kanya nakatutok ang ice pick so nakuha ang phone nya (at wallet ba?). Next is Kuya Leo, kinakapaan pa dw sya. Gudbye wallet. Then si Ket. Medyo nag-forward si Kuya Leo para di siya makita pero napansin pa din. Binigay niya yung K300. At least, hindi yung bago niyang phone! Me couple sa tabi ni Ket. Yun ata yung nagbigay ng k750i. Then yung girl na may malaking bag, nag-abot din ng phone. Thanks to her bag, natakpaan ako from view. Nasa likod ako ni manong driver. Walang nakuha sa akin.
Katapat ko si Ishy. Siya yung binabatukan nung nasa front. Kinuha ang wallet at phone. Tapos si Mon, walang binigay. Si Suzanne, nung nakita daw niya na napapag-initan si Ishy, naghanap ng pwedeng ibigay. Yung bible? Hmm.. as in pinag-isipan pa daw talaga niya. Buti na lang, di niya binigay. Baka nabaril na kami lahat. Finally, iniabot niya yung coin purse. Buti hindi binuksan yun. Nailcutter pala ang laman! haha.. Si Milky, binigay ang phone. Nung kinukuha na yung wallet niya, gusto pa umapila. Kunin dw muna niya yung id. Kaya pala sila nagtatalo ni Ian! Eventually, di din niya kinuha. Nagte-text si Ian nung sumakay yung mga manong. Nagulat na lang siya kasi umingay tapos kumapit si Milky sa kanya. Tinago nya yung phone sa ilalim ng hita sabay hugot sa old nokia. Yun yung binigay niya. Nung kinuhanan ulit, binigay na din nya yung wallet. Hay, bye-bye old wallet and memories, hehe. Si Andres, nagbigay ata ng money. Yung 2 dun sa dulo, kinuhanan din ng wallet at phone.
Yung isang manong sa front, nakuha daw yung phone. Yung safeguard nya sa bulsa, hindi pinagnasaan. Kay manong driver ata, alang kinuha.. pero putlang-putla! Sabi nina manong safeguard at ni Ian, feel daw sana nilang manlaban. Ang kaso mo, kawawa yung mga nasa dulo kasi baka masaksak ng kutsilyo at ice pick. At yung baril daw pala, sa amin ni Manong driver nakatutok. Akalain mo, wala akong kaalam-alam! Kung nagkataon pala at nagkagulo, bakanasa langit na ako! :)
(Oo! Mahaba pa ‘to! :> ) Walang kwenta ang report kasi hindi naman na-describe yung mga hold-uppers. Ala sila dun profile ng mga wanted. Kailangan pa naming pumunta ng Anonas! Neknek nila. Kebs na lang. Manonood pa kami ng Ice Age2! Joke joke joke.. syempre hindi na. Wala na kaming powers para dun. So proceed na lang kami sa Jollibee para lumafang. Yung iba, umuwi na. Wel, pagdating jbee, ala pala kami lahat gana. Sinong gaganahan kumain nu’n?! Nagpilit lang kami kumain kasi:
Shock + Starvation = Mental Hospital J
Hay, umuwi na kami pagkatapos. Text text at tawag tawag sa mga loved ones. Sobrang pasalamat kay Lord kasi, at least material things lang yung nawala sa kanila. Walang nasaktan.
After effect: Sobrang praning na kami sa pagko-commute! Parang kahapon lang, feeling nina Suzanne at Kuya Leo e kasakay namin ulit yung holdaper. Bumaba kami ng jeep, ano pa nga ba? Hay, basta, praning pa din talaga ako. Lalo pa't isa sa mga friends ko sa cvg e nahold-up din last Sunday. FX naman. Tapos nung sunday din, me taga-infonxx daw na binaril sa taxi. Hinoldap din. Ano buzz.. Nakaktakot na sa earth.. :(
Pero lessons learned: Wag magte-text o gagamit ng phone sa jip/puv or sa public and open areas. Keep your valuables safe. Be alert kapag may kahina-hinalang nilalang sa paligid. Be discreet kapag may holdapan, huwag magpapansin. Kung kukuhanan ka, magbigay agad. And most of all, PRAY! Don’t forget to call on Him always. And for every blessing, learn to be thankful to Him. He is faithful and he is always there for us.. always willing to save us.
Hay, kung natapos mo'tong basahin, ang tyaga mo! congrats! at salamat sa pagbabasa. Sana me natutunan ka.:)