Kapag Nainis ang UP (a repost)
Nakita ko lang to sa blog ni Klara. Nakuha daw nya sa Multiply site ng yoopee. Asteeeg.. hehehe
Minsan, napag-usapang magrally upang patalsikin si GMA. Kanya-kanyang trabaho ang mga bumubuo sa UP...
(disclaimer: Ito po'y kathang-isip lamang. Lahat ng makakapareho sa kuwentong ito ay hindi sinasadya. Hindi rin po nais manira. In short, peace!)
SS - sila ang magsisimula ng survey kung sino ang may gusto pa kay GMA. Dahil negative ang result, magpapasimula na ng rally kasi wala na palang may gusto sa kanya.
"10 out of 10 ang nagsasabing lumalaki na ang nunal niya...rally na tayo!"
AIT - sila ang matotoka sa biyahe papuntang Malacañang.
"Please fasten your seatbelts. We are about to fight."
CBA - sasakay sa kotse at magbubusin nang magbubusina sa harap ng Malacañang.
"I'm gonna beep beep na. You make beep beep na din."
SE - kasama sa mga magbubusina.
"Pag bumaba na si GMA, bababa na ang presyo ng D&G at Havaianas."
CSWCD - magsisiwalat ng lahat ng *toot* ni GMA at magpapaliwanag ng epekto nito sa community
"Kapag nanatili po si GMA, papandak ang susunodna henerasyon."
CHE - ang tagapagbigay ng pagkain sa mga rallyista upang tumagal ang rally.
"Oh, kain muna. Buttered Chicken breast sprinkled with onion chives po ang merienda natin."
Law - teka, nagsasampa pa ng impeachment cases.
"Objection your honor, walang cheese yung order niyo."
SLIS - tutulong sa pagreresearch ng impeachment cases.
"Ahm, san yung reserve slip mo?"
CAL - ang mga magsisisigaw at magrarali sa labas ng Malacañang habang may automatic translation din para sa iba't-ibang international news channels sa mundo.
"GMA, resign! Hasta la vista sa katipunan" (?)
CMC - ang mga mas malakas sumigaw at magrali sa labas. Nagtatawag din ng iba pa sa pamamagitan ng media. Party na ito!!
"Chacha, ibasura! Chapatusin si Gloria!"
Music - noise barrage
"To be conducted by Freddie Aguilar..."
CSSP - ang pilit papasok sa loob at palalayasin si GMA sa iba't-ibang paraan:
Kasaysayan - tatakutin si GMA sa pamamagitan ng pagpapaalala ng nangyari kay Marcos noon. "Lagot ka, di ka rin namin ililibing."
Archaeology - susuportahin ang pananakot kay GMA sa pagpapakita ng artifacts."(Silence)"
Geography - hahanap ng paraan para madaling maitulak si GMA sa Pasig River. "Mas accessible dito."
Philosophy - teka, nakikipag-argumento pa...(Eh, hindi nga eh...)
CHK - tutumbling papasok ng Malacañang upang hindi mapansin ng guards. Huhulihin si GMA at tutulong sa mga Geographers para maitulak si GMA sa Ilog Pasig.
" Hooh, hah! Yah!"
CS - ang palabang grupo...
Geology - magpupukol ng bato sa mga bintana. "#@*&% mo, Quartzite yang pinambabato ko!"
Biology - magpapakawala ng frogs sa loob ng Malacañang para magkagulo. "Oh, hulihin yung mga buwaya diyan. Kailangan natin ng specimen."
Math - papatunayang indeterminate kapag nag-approcah to infinity ang limit ng function ni GMA as president.
alternative: bubuo ng malaking robot ang Voltes V, Powerpuff Girls, Power Rangers at Spice Girls upang tapusin at tirisin ang nunal ni GMA na naging gigantic villain.
Educ - pag-aaralin muli si GMA ng kursong Ballroom Dancing para malaman niya ang tunay na meaning ng Cha-cha.
Engineering - ang magpapalayas ng tuluyan kay GMA kasi... kasi... teka anong meron? Stampede? Ba't ang daming tao? Ba't... (uhm) ...(line was cut off)
"Sugodone-third ng population ng UPD!"
Architecture - magdrodrowing ng panibagong structure ng Malacañang pagtapos sumabog sa dami ng engineers.
"Ito ang bagong Malacañang. Gawin nating bilog para sa susunod, wala nang takas. Dito natin ilagay yung fountain sa gitna."
NCPAG - bubuo ng panibagong gobyerno.
Admin - ang bagong gobyerno(?)
"Oi, tanggalin na yang 'university' sa plate ko. 'President, ______ of the Philippines' na lang"
Spcl. Participation: Vargas Museum - patitigasang bronze cast si GMA at gagawing bench. sa CASAA.
"ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN..."
(Peace!!)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home