Saturday, September 13, 2008

Globe Prepaid Card

Eto ang kwento nyan. Galing ako ng Clark and I had to meet some friends sa Manila ng Saturday and Sunday. Nag-stay ako sa house nila Clariz and Pepot that weekend. Since graduation din ng ate ko sa Dental Surgery that Monday, dun na din ako natulog ng Sunday night. Maaga umalis sina Pepot at Clariz kasi me pasok sila and dahil hapon pa naman kami magkikita ng ate ko, naiwan ako sa haws. I was about to take a bath nang ma-discover ko na na-locked in pala ako sa room. Mega sira ang doorknob at di ko sya mabuksan. I did almost everything but to no avail. Di pa naman makauwi sina Clariz kasi nga office hours. Unfortunately, nasa bus pa lang ang ate ko galing Batangas and makarating din sya, hindi din alam ng ate ko kung pa'no pumunta dun kaya magahahanap pa sya. Panic mode. Si Ian lang sa mga friendships ko ang me alam kung san yun and unfortunately ulit, natutulog pa sya at di sumasagot sa telepono. Fast forward... habang pawis pawis at nahihilo na sa gutom, me nakita akong Globe Prepaid Card. Bumalik sa aking alaala ang glory days ng UPCYM- haha, I mean tambay days. Therefore, ginamit ko ang card para buksan ang pinto. Voila! Nabuksan ang pinto! Mejo 3 hrs lang naman ako nakulong sa loob! Hay, anyways.. yun yung kwento. At dahil isang di malilimutang pangyayari yun, syempre kelangan i-document. :P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home