Wednesday, March 01, 2006

sa kabila ng bundok..

Ka Ibigan,


Ilang buwan na din simula nang una kong narinig. Namumundok ka din pala tulad nila. Noong una, ayaw ko pang maniwala. Pero siguro nga.. siguro nga kaya ka palaging lambot at palaging hapo tuwing magkasama tayo. Kakapagod nga kasi ang ginagawa mo. Sangkaterbang lakas at enerhiya ang siguradong ginugugol mo. Kai-kainamang taguan at pakikipagsapalaran.

Bakit naman kasi naisipan mo pa 'yang gawin? Gusto kong maging masaya para sa 'yo (sapagkat sa kandungan ng bundok na pinagkukublian mo, batid kong pag-ibig ang nakamtan mo).. pero hindi ko magawa. Napapabuntong-hininga na lang ako tuwing naiisip kita. Masaya nga siguro diyan, subalit sana hindi ka maanod at malunod sa rumaragasang lagaslas ng batis.

Ayaw kitang husgahan subalit sa mata ng Diyos at sa mata ng lipunan.. ewan! hindi ko na din ata alam. Basta, basta.. mag-iingat ka. Dalangin ko na lang na malalampasan mo ang madadawag na landasin. Sana'y dumating din ang panahon na hindi mo na kailangan pang maglihim. Sana din ay tumatawag ka pa din sa Kanya, siya na totoong pinagmumulan ng lakas, kaligayahan at pag-ibig.

P.S. Kung nagkasala man ako sa iyo at nabigo kita sa kung ano mang paraan, patawarin mo ako. Asahan mong pagmamahal pa din ang nasa puso ko.

Sumasaiyo,
kaibigan

1 Comments:

Blogger entropy_ket said...

sa kabila ng bundok na itago natin sa pangalang brokeback mountain ba itoh?! haha!

nasa work ako... at dahil employee appreciation day, may free popcorn at cotton candy! papakabundat ako! woohoo!!!!

Friday, March 03, 2006 6:10:00 AM  

Post a Comment

<< Home